Hirap ng maglakad at tungkod ay dala
Pandinig niya ay mahina na
Halos hindi na rin makakita
Ngunit lola ako'y iyong napapasaya
Sa bawat ngiti mo hatid ay ligaya
Nakakalimutan pati problema
Dala ng ngiti mo ay pag-asa
Ang buhok mo'y halos puti
Simbulo ng iyong tagumpay at pighati
Sana ako'y maging 'sing tatag mo
'Di alintana pagsubok at bagyo
Lola, wag intindihin ang kulubot sa'yong mukha
Kahit ang ngipin mong wala na
Maganda ka't daig mo pa ang diwata
Marikit at mahiwaga.
A poem dedicated to all grandmas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento